Friday, June 01, 2012

Mahirap sa Babae yung...

sa dinami-dami ng mga babaeng nakasalimuha ko, madami akong napasin as well as mga natutunan sa kanila. Napansin ko, madami satin ang may mga problema dahil wala tayo ng mga sumunod.... eto ang ilan sa mga nais kong i-share sa inyo. Naway kapulutan ng aral.....



Mahirap sa Babae yung...

Hindi kayang tumayo sa sariling paa.
Kahit paano, dapat self-sustaining. Hindi pabigat sa pamilya o sa asawa.  Old fashioned
parin ako sobra. For me, dapat mas malaki ang sweldo ng lalaki.. pride nila yun as provider..
so let them be men!  Our role as women is to support and co-create with them... NOT compete with them.
As for us women, dapat kahit paano, may pambili parin tyo nung mga gusto
natin o may pambili tyo nung mga bagay na makakadevelop ng katauhan natin. We should continually invest in ourselves.


Walang Pinag-aralan.
Hindi naman kailangang sobrang talino or what pero at least dapat may natapos para hindi tyo basta basta naloloko.
Bukod pa roon, Iba parin kapag madami tayong alam gawin, madaming options. At ang babaeng well schooled makes the best
moms
... because moms are the best teachers. Pano mo tuturuan ang anak mo kung wala kang alam?


Walang Respeto sa sarili.
Pano tayo gagalangin ng lalake kung sarili natin hindi natin kayang galangin? Konting kalabit lang
bibigay na agad? Tapos kung kani-kanino nagpapagamit! ay!! kadire! Sad to say, pero maraming ganun ngayon.
Sa huli, yung mga babaeng matino parin at pinipili nila, at HINDI yung mga pakawala.
We must know our limits. Lalo na sa sex. Hindi lang naman dapat puro  love kapag sex ang pinag-uusapan. Responsibility din dapat. Dapat ireserve natin ang sacred ritual na ito doon sa taong worthy ng pagkatao natin. At kapag may asawa na kyo, dapat may time talaga para sa sex kse role nating mga babae yun. Kahit months after manganak, kahit anong hirap pa ang dinanas sa giving birth... kailangan nating isipin ang sexual needs ng ating partner.


Walang strong foundation ng Values and Morals.
Very vital talaga ang training sa bahay... ang training ng magulang kse sila talaga ang main influence natin. Pero kapag nasa tamang edad na tayo at may tamang wisyo, dapat alam na natin ang tama sa mali. Hindi porke uso, sabay nalang tayo sa agos. Hindi lahat ng nauuso ay tama. Matutuo dapat tayong mag-isip.  Dapat marunong tayong manindigan... at dapat may panghawakan tayong pilisopiya sa buhay....Yun din kse ang ipapamana natin sating mga magiging supling. Para sakin, ibang-iba parin ang pagiging traditional. Ganun kse ako pinalaki at sa experience ko, pinakabest parin yun. Pilipino tayo e! 


Masyadong Insecure.
Lahat naman tyo may sari-sariling insecurities, pero dapat alam natin kung pano ito ihandle. A confident woman is an attractive woman! Alam natin dapat kung san ilulugar ang pagseselos.. tipong ipunin lahat lahat ng pagka-irita at panlalait in a day then tell your partner na nagseselos ka! Ganun! Sabihin sa pinakamaayos, no drama way... parang matter of fact lang. Tapos, TAPOS na!! Wag ulitin! Wag ungkatin! PERIOD! Hindi nakikinig ang mga lalake kapag nakikita nilang mukha tyong gago. Trust me. Been there, done that! Kung mahal ka talaga ng partner mo, he will find a way to make you feel secure. Kapag wala syang ginawa about it, then he isn't worthy. 


Hindi alam ang gusto nya sa buhay.
Ang hirap nun! Seriously. Yung tipong nageexist ka nalang ng walang purpose sa buhay! Parang halaman... buti pa nga halaman e! Dapat alam mo talaga kung ano gusto mo. Dapat alam mo kung ano yung mga bagay na magpapasaya sayo! Kaya nga tayo may free-will e...the greatest gift from GOD! We should use it wisely. Reminder: TAO ka!


Hindi marunong sa gawaing bahay.
Very important ito para satin! Very basic! No matter how busy we are with our chosen careers, dapat we should still have time to be homemakers. Keeping the family together should be our top priority. It is our duty to keep the kids well fed, clean and the husband happy at all times. Family first lagi lagi!




~mae~
the old-fashioned girl from the future